Memories, story, To whomever

ORASAN PARA SA MGA PANAHONG HINDI MO NAPAGHANDAAN

Tunay ngang walang oras na pinipili ang tadhana

Kung sino pa ang mahalaga, siya ang unang kinukuha

Walang humpay na saya nang una kang nakita— mga mata mong nakangiti at balahibong napaka puti

Hindi ka lang si bantay sa bahay ngunit siya ring naging paboritong bunso ni nanay

Madalas nga namin siyang tinutukso kung sino ang mas mahal

Nakatingin ka lang na parang nakikinig sa usapan

Nakatitig, nakaliyad ang leeg na parang may gustong intindihin

Ang imaheng ganun ang tumatak at paborito kong alalahanin. 

Nakaka miss na umuwing may sasalubong na halik

Yung mga buntot mong napakalikot at walang tigil ang pitik

Nakaka miss kumain habang alam kong nasa ilalim ka ng la mesa

Naghihintay habang nakatingala na para bang gusto mo ring sumabay

Sa halos apat na taon na iyong itinagal 

Alam kong sapat ang ibinigay namin sa iyong pagmamahal

Pero alam ko rin na ang nararapat ay hindi lang sapat— sobra, labis, umaapaw ang dapat. 

Dalawang araw bago ka pumanaw, bakit tila wala kang sakit kung gumalaw?

Bakit hindi namin alam?

Na mayroon ka ng karamdaman

Masakit sa loob na sa dalawang araw kang nasasaktan

Nang ipanakikita mong hindi na kaya ang nararamdaman

At kahit ano pa ang gawing paraan

Huli na, hanggang doon nalang

Dahil kailangan mo nang magpaalam

Permanente nang nakaukit sa aking isipan, kung paano mo ako pinagmasdan

Yung huling pagkakataong ikaw ay makita pero hindi man lang sumagi sa aking isipan

Na huli na yun at wala na bukas. 

Sana lagi mong tatandaan,

Isa kang malaking parte ng aming buhay

Ikaw yung tipong walang kapantay

Pero siguro ganun talaga… may pangmatagalan pero walang pang habang buhay. 

K.O. — hindi ka namin makakalimutan. 

Ps. I wrote this as part of my Filipino subject course requirement. My mom loved it, but I refuse to share it online with my friends. Instead, decided to have it here, in my safe haven. 

Pps. I still miss you baby boy 🐶

L S S | July 12, 2017

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s